Ligtas nang na-evacuate at agad nabigyan ng kaukulang medical attention ang isang navy personnel na nagtamo ng matinding sugat dahil sa intensiyonal na pagbangga ng China Coast Guard sa mga sundalong magsasagawa lamang ng Rotation and Resupply mission sa BRP Sierra Madre na naka station sa Ayungin Shoal nuong Lunes, June 17,2024.
Ito ang inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad.
Ayon kay Col. Trinidad ang patuloy na agresibong aksiyon at nakapa unprofessional na hakbang ng China Coast Guard laban sa isang legitimate humanitarian mission ay hindi katanggap-tanggap.
Dapat manatiling kalmado ang mga ito ng sa gayon hindi na lumala pa ang tensiyon sa bahagi ng West Philippine Sea.
Siniguro naman ni Col. Trinidad nananatiling committed ng Sandatahang lakas ng Pilipinas na panatilihin ang presensiya nito sa West Philippine Sea na sumusunod sa international na protektahan ang karagatan, ang ating Karapatan at ang ating kinabukasan.
Hindi naman sinabi ng AFP kung ilang sundalong navy ang nasugatan sa insidente subalit batay sa isang reliable source nasa pitong navy personnel ang nasugatan.
Sa kabila ng insidente sa Ayungin Shoal nuong Lunes, nagsagawa ang AFP ng multilateral maritime cooperative activity kasama ang US, Japan at Canada nuong Linggo, June 16,2024 sa bahagi ng WPS.
Lumahok sa nasabing joint maritime exercise ang Gregorio del Pilar-class patrol ship ng AFP ang BRP Andres Bonifacio (PS17), U.S. Navy Arleigh Burke-class guided-missile destroyer USS Ralph Johnson (DDG 114), Japan Maritime Self-Defense Force Murasame-class destroyer JS Kirisame (DD-104), at ang Royal Canadian Navy Halifax-class frigate HMCS Montreal (FFH 336) na sama samang lumayag
West Philippine Sea.
Layon ng nasabing exercise na ipakita ang commitment ng AFP kasama ang mga kaalyado nito na mapanatili ang peace and security sa Indo-Pacific Region.