-- Advertisements --

COTABATO CITY — NEGATIBO sa resulta ng paraffin test si PFC John Carlo Bravo, ang sundalong isa sa itinuturing suspek sa nangyaring shoot out sa Rosales St., Rosary Heights 6, Cotabato City nitong January 3, 2024, na ikinasawi ng isang police escort ni Datu Odin Sinsuat Mayor Lester Sinsuat.

Kinumpirma mismo ni 6th Infantry “Kampilan” Division spokesperson, Lt. Col. Dennis Almorato, ang naging resulta ng test na isinagawa ng Regional Forensic Unit – BAR.

Aniya ang nasabing sundalo ay negatibo sa bakas o pulbura ng bala ng baril at ang mismong sinuri dito ay pawang negatibo sa gun powder nitrates na patotoo lamang na hindi sangkot ang nasabing sundalo sa shoot out at hindi nakipagpalitan ng putok ng baril.

Nanindigan naman ang 6ID na inosente si PFC Bravo dahil naroon lamang sya sa pinangyarihan ng pamamaril dahil ito ay isang security sa isang VIP na may banta sa buhay at hindi ito nangingialam sa usaping pulitika.

Inaasahan naman 6ID na makakalaya na sa pagkakapiit ang sundalo.