-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Naihatid na sa huling hantungan nitong Linggo ang labi ng sundalo na tubong South Cotabato na namatay sa nangyaring kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal sa kapatid ng biktima na si alyas Ailyn, kanila umanong maituturing na bayani ang ginawang katapangan at pagsakripisyo sa sariling buhay ng kapatid matapos dinapaaan nito mismo ang bomba upang mailigtas ang ilang buhay ng mga mamayan na naroon.

Pagsasalaysay pa nito, isang mabuting tao si Pvt. John Agustin kung saan marami pa sana itong pangarap para sa kanila maging sa mga pamangkin nito.

Inilibing ang biktimang sundalo sa Matutom Memorial Garden sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.

Dagdag pa nito, kahit mapait at masakit ang kinahinatnan ng kapatid ay naniwala parin silang may kabuluhan kung bakit nangyari ito sa kanilang kapamilya.

Samantala, nais pa rin nilang makamit at patuloy na sinisigaw ang hustisya sa karumal-dumal na insidente.