-- Advertisements --

CEBU CITY – Pinaghahandaan ngayon ng mga residente ang pagpapatupad ng “Sunday Lockdown” simula bukas sa Brgy. Guadalupe, Cebu City dahil sa lumolobong kaso ng Covid-19.

Ayon kay Michael Gacasan, kapitan ng Barangay Guadalupe, marami sa mga residente ng nasabing lugar ang lumalabas tuwing araw ng Linggo.

Dahil rito, naglabas ng resolusyon ang mga barangay officials na nagbabawal na lumabas sa kani-kanilang bahay ang mga residente sa naturang araw.

Sa nasabing resolusyon, sarado ang mga establisyimento maliban sa mga essential services tulad ng mga botika.

Habang papayagan namang lumabas ang mga Authorized Person Outside Residence (APOR) at ang may mga emergency reasons.

Nanawagan si Gacasan sa kanyang mga nasasakupan na sumunod sa mga health and safety protocols para di mahawaan ng nakakamatay na COVID-19.