-- Advertisements --

May ipinalit na sa pelikulang “(K) ampon” na tinanggal bilang entry ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Ayon sa MMFF Executive Committee, ipapalit nila ang pelikulang “Sunod” na pinagbibidahan nina Carmina Villaroel at Mylene Dizon.

Magugunitang tinanggal bilang official entry ng MMFF entry ang “(K)ampon” na pinagbibidahan ni Kris Aquino matapos na bigo silang maabot ang deadline sa pagpapalit ng lead actor dahil sa pag-atras ni Derek Ramsey at ipinalit si Gabby Concepcion.

Ang “Sunod” ay siyang pang-apat na pelikula na nakahanay sa MMFF entry kasama ang “Momolland” na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Anne Curtis; “Mission Unstapabol: The Don Identity” nina Vic Sotto at Miane Mendoza at ang “Miracle in Cell No. 7” na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Bela Padilla.