ILOILO CITY – Kampante ang Partiko Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na manggagaling sa kanilang partido ang susunod na House Speaker sa Kamara.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo 3rd District Representative Lorenz Defensor, sinabi nito na bilang miyembro ng PDP-Laban, malaki ang kanilang paniniwala na manggagaling sa partido ni Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na mamumuno sa Kamara.
Ayon kay Defensor, “numbers game” ang labanan sa Kamara at kung pagbabasehan ang mga miyembro ng PDP-Laban, tiyak na mananalo si Marinduque Representative Lord Allan Velasco na siyang pambato ng kanilang partido sa House Speakership.
Nagdesisyon din aniya ang PDP-Laban na isa lang at hindi na magdadagdag pa ng kandidato na kanilang susuportahan sa pagiging House Speaker.