-- Advertisements --

VIGAN CITY – Patuloy na nararamdaman sa Northern Luzon ang mga malalakas na pagyanig matapos ang magnitude 7.0 na lindo noong nakaraang linggo.

Naitala ang pinakamalakas na pagyanig kaninang madaling araw na magnitude 5.1 na lindol sa bayan ng Villaviciousa, Abra at naramdaman ang Intensity V sa iba’t-ibang bahagi ng Ilocos Sur at Mountain Province.

Samantala dalawang malakas na pagyangi ang naramdaman kahapon sa lalawigan ng Ilocos Sur kung saan naitala ito sa dalawang bayan.

Unang naitala ang magnitude 4.7 na lindol kahapon sa bayan ng Cabugao na may lalim na dalawang kilo metro.

Sumunod na pagyanig ay naitala naman sa bayan ng Nagbukel ang magnitude 4.8 na lindol na naramdaman sa iba’t-ibang bahagi ng northern luzon.

Kung maalala unang sinabi ni Usec. Renato Solidom ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na wala na umanong inaasahang magnitude 7.0 na lindol ngunit asahan umano na magkakaroon ng mga pagyanig na aabot sa magnitude 5.9.

Patuloy ang isinasagawang monitoring ng PhiVolcs sa mga pagyanig sa northern luzon at pagpapaalala sa mga residente na maging alerto.