-- Advertisements --

Naapula na ang sunog malapit sa abandonadong Chernobyl nuclear plant.

Ayon sa Ukrainian emergency services, na may mga maliliit pang baga subalit wala ng apoy at hindi na ito nakakapinsala.

Pinangangambahan ng Greenpeace Russia na ang nasabing sunog ay mapanganib sa nuclear plant dahil halos walang isang kilometro ang layo nito.

Mahigpit pa ring binabantayan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang nasabing lugar.

Magugunitang noong 1986 ng magkaroon ng sumingaw ang bahagi ng nuclear plant na nagdulot ng radioactive fallout sa Europe.