-- Advertisements --
Muling sumiklab ang malaking sunog sa Beirut port ilang linggo matpos ang naganap na malakas na pagsabog na ikinasawi ng halos 200 katao.
Base sa inisyal na imbestigasyon nagsimula ang sunog sa isang bodega kung saan nakatago ang langis at mga gulong.
Walang naiulat na sinumang nasaktan sa nasabing sunog.
Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.
Agad namang nakontrol ng mga bumbero ang naganap na sunog.
Magugunitang patay ang 190 katao ng sumabog ang imbakan ng ammonium nitrate noong Agosto 4.