-- Advertisements --

Nananatili ngayon pansamantala sa evacuation centers ang mga apektadong pamilya matapos ang sunog sa Tondo, Maynila.

Pasado alas 4:21 na ng hapon ng idineklarang fire out ang sunog na naganap sa Aguirre St sa nasabing barangay.

Ayon sa BFP, umabot ang sunog sa ikalawang alarma at nagsimula sa abandonadong gusali.

Batay sa salaysay ng mga residente, imbakan ito ng mga karton na naging dahilan upang madamay sa sunog ang katabing residential na lugar.

Tinatayang aabot sa mahigit P1.3-M ang naitalang pinsala matapos ang sunog habang aabot sa 20 na pamilya ang nawalan ng tirahan.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang pangunahing sanhi ng sunog.