-- Advertisements --

Nagtala ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng pagtaas ng bilang ng mga naganap na sunog sa bansa sa unang dalawang buwan ng 2024.

Ayon sa BFP na mayroong kabuuang 2,742 na sunog ang naitala na 23 percent na mataas kumpara noong nakaraang taon sa parehas na dalawang buwan na mayroong 2,224.

Ang nasabing datus ay mula sa Enero 1, 2024 hanggang Pebrereo 26, 2024.

Nagtala rin ng kabuuang 55 ang nasawi kumpara sa 39 noong nakaraang taon habang mayroong 184 ang sugatan kumpara sa 154 noong nakaraang taon.

Umabot naman sa halagang P1.23 bilyon ang damyos na naitala kumpara sa P1.11-B na naitala noong nakaraang taon.

Bumaba naman ang bilang ng naitalang sunog sa Metro Manil na mayroong 222 kumpara noong nakaraang taon na mayroong 491 lamang.