Itinaas sa level 3 ang alarma matapos sumiklab ang sunog sa 38-storey skyscraper na World Trade Center sa Causeway Bay sa Hong Kong.
Base sa isang police officer na nasa pinangyarihan ng insidente, tinatayang nasa 350 katao ang na-trap sa rooftop ng gusali.
May ilan na ring nailikas subalit ilan sa mga shoppers at restaurant goers ang natrap pa sa loob ng gusali.
Nasa dalawang katao naman ang nasugatan sa sunog habang nagpapatuloy ang isinasagawang rescue operations.
Pahirapan naman ang pag-rescue ng mga bombero gamit ang water jets at hagdan para maisalba ang mga nasa loob pa ng gusali.
Isang matanda naman ang napaulat na naospital dahil sa pagkalanghap ng usok.
Pinaniniwalaang nag-ugat ang sunog sa electrical switch room sa unang palapag ng gusali na isinasailalim sa renovations.