-- Advertisements --

Agad na naagapan ang sunog sa bahagi ng Immaculate Conception Cathedral na matatagpuan sa Malinao, Pasig City.

Ayon sa Diocese of Pasig, nitong alas 2 ng madaling araw ng Agosto 1 ng makita nilang nasusunog ang bahagi ng simbahan sa lugar kung saan nagsisindi ng kandila ang mga tao.

Mabilis na naapula ito sa tulong ng rumesponde mula sa tauhan ng Bureau of Fire Protection ng Pasig.

Nagsimula umano ang sunog sa devotional candle sa labas lamang ng adoration chapel.

Walang gaanong matinding pinsala ang sunog na agad na naapula ng wala pang isang oras.