Itinuturo ngayon ng Russia na ang sunog sa battery compartment ang pangunahing sanhi ng trahedya sa isa sa kanilang mga submersible na kumitil sa buhay ng 14 katao.
Ayon kay Defense Minister Sergei Shoigu, nuclear-powered ang nasabing top-secret military craft ngunit agad namang nailayo sa apoy ang reactor nito.
“The nuclear power unit on the vessel has been fully isolated and nobody is in that section. The crew took all the necessary measures to protect the unit, and it is in full working condition. This gives us hope that in quite a short time the vessel can be put back into service,” wika ni Shoigu kay Russian President Vladimir Putin sa isang pulong, ayon sa Kremlin website.
Dinala na rin daw ngayon ang naturang craft sa Severomorsk, na pangunahing himpilan ng Northern Fleet ng Russia.
Una rito, binawian ng buhay ang 12 senior officers na lulan ng craft na resulta ng sunod sa submersible na nangyari sa Barents Sea.
Bagama’t hindi pinangalanan, sinabi ng Russian government daily na Rossiiskaya Gazeta na ito’y isang deep-sea research vessel a ginagalugad ang Arctic seabed.
Batay sa ulat, lumulusong daw ito sa napakalalalim na lugar sa ilang mahihirap na misyon.
Ang Russia ay isa sa mga may territorial claims sa Arctic, na pinaniniwalaang mayaman sa deposito ng langis at iba pang mga mineral. (BBC)