-- Advertisements --

(Update) KALIBO, Aklan – Isinisisi sa napabayaang sinaing ang nangyaring sunog na lumamon sa halos 100 bahay sa Sitio Ambolong, Barangay Manoc-Manoc sa Boracay.

Ayon kay Provincial Fire Marshall Supt. Nazrudyn Cablayan ng Bureau of Fire Protection-Aklan, ito ang tinitingnan nilang anggulo batay na rin sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa insidente.

“Fire prone” aniya ang lugar kung saan magkakadikit ang mga bahay na karamihan ay gawa sa light materials kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Maliban dito, malakas din ang hangin at hindi “accessibl”e sa mga nagrespondeng firetrucks ang lugar.

Nabatid na mahigit 145 pamilya na apektado sa halos tatlong oras na sunog ang pansamantalang nagpalipas ng gabi sa Manoc-Manoc covered court.

Tinatayang P1 milyon ang iniwang pinsala ng sunog sa tanyag na isla.