-- Advertisements --

LAOAG CITY – Malaki ang itinaas ng mga fire incident na nairekord ng Bureau of Fire protection sa lalawigan ng Ilocos Norte sa buwan lamang ng Enero at Pebrero ngayong taon.

Ayon kay Fire Chief Inspector Claire Simbol, ang Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection sa Ilocos Norte, noong taong 2022 ay mayroon lamang 17 na g sunog ang nairekord sa kaparehong buwan kung saan 66% ang itinaas ito ngayong taon dahil aabot na sa 50 na sunog ang naitala sa lalawigan.

Sinabi nito na ang dahilan kung bakit mataas ang naitalang sunog ay dahil sa open flame fire sa mga agricultural waste, mga sinindihang sigarilyo at itanatapon kung saan-saan, electrical, overheated na appliances, kaingin, mga basurang sinusunog at idagdag pa ang panahon.

Samantala, inihayag ni Simbol na kasalukuyang iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng mga malawakang grass fire na nangyari sa bayan ng Solsona, Piddig at Paoay, Nueva Era kung saan humigit-kumulang 20 na ektarya ang apektado.

Inihayag rin nito ang mga iba’t-ibang problema ng ahensya tulad ng kakulangan ng firefighting equipment at mabagal ang pagpapalabas ng impormasyon dahil umano sa mahinang signal sa mga bundok kung saan nangyari ang sunog.

Dagdag nito na ang mga maaring solusyon dito ay ang pagbili ng mga kagamitan na gagamitin sa pag-apula ang apoy, installation ng communication towers at iba pa lalo na sa mga isolated na lugar.