-- Advertisements --
Iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nangyaring malaking sunog sa industrial area ng Valenzuela City.
Ayon kay Fire Officer 1 Melody Candido, partikular na nasusunog ang Aquair Cargo Movers Co. na nasa Sitio Sulok, Ugong, Valenzuela.
Nagsimula umano ito kaninang alas-4:22 ng hapon.
Matapos lamang ang ilang minuto, iniakyat na ito agad sa ikalawang alarma, bago na-control kalaunan.
Wala namang nasawi o nasugatan kaugnay ng naturang pangyayari.