-- Advertisements --

Sumiklab ang sunog sa isang commercial building sa Naval Street Barangay Flores sa lungsod ng Malabon mag-aalauna ng madaling araw ngayong Bagong Taon, Enero 1, 2025.

Tumagal ng ilang oras ang pag-apula sa sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Ayon sa rumespondeng Bureau of Fire Protection (BFP) – Malabaon, isang tindahan ng plastik ang nasunog na gusali.

Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag. Idineklara namang under control ang sunog kaninang alas-5:58 ng umaga.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog kung may kinalaman pa ito sa mga paputok gayundin ang halaga ng pinsala sa sunog.

Sa kabutihang palad, wala namang nadamay na mga bahay at walang nasugatan nang sumiklab ang sunog.