Namatay ang 18 katao matapos masunog ang isanng COVID-19 hospital ward sa Gujarat state sa India.
Nagsimula ang apoy sa intensive care unit ng Welfare Hospital sa Bharuch district.
Ayon kay Dr. MD Modiya, senior district official, 16 sa mga namatay ay mga pasyente at dalawa naman ang staff members.
Nasa 60 pasyente naman ng nananatili sa nasabing ospital noong mangyari ang sunog. Inilipat na kaagad ang mga ito sa pinakamalapit na ospital.
Inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng sunog subalit batay sa inisyal na imbestigastyon ay posibleng short circuit ang nagdulot nito.
Una nang kinumpirma ni Vijay Rupani, chief minister ng Gujarat, na nagpadala na ito ng dalawang senior officers ng Indian Administrative Service sa Bharuch upang imbestigahan ang insidente. Magsisimula naman ng judicial inquiry ang state government sa nangyaring sunog.
Nagpaabot na rin si Rupani ng pakikidalamhati sa mga pasyente at staff ng Welfare Hospital at nag-alok ng $5,398 na kompensasyon sa pamila ng mga biktima.