-- Advertisements --

Naapula na ang sunog sa bahagi ng Metropolitan Medical Center sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog pasado ala-una ng madaling araw nitong Sabado.

Umabot pa sa ikalawang alarma ang nasabing sunog na nagsimula sa ikapitong palapag ng pagamutan.

Dahil sa insidente ay inilabas ang mga pasyenteng naka-confine sa pagamutan.

Matapos ang mahigit isang oras ay tuluyang naapula ng mga rumespondeng bumbero ang sunog.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa insidente.