-- Advertisements --

Labintatlo katao ang kumpirmadong namatay sa sunog na naganap sa isang dormitoryo ng paaralan sa county ng Fangcheng, Nanyang City, Central China Henan Province, noong Biyernes ng gabi, ayon sa mga lokal na otoridad.

Bandang 11 ng gabi noong Biyernes, nakatanggap ng alarma ang local fire department ng bumbero tungkol sa sunog sa dormitoryo ng Yingcai School sa Yanshanpu Village, Dushu Town.

Mabilis na dumating ang mga rescuer sa pinangyarihan at naapula ang apoy alas-11:38 ng gabi. Gayunpaman, mahigit isang dosenang tao ang namatay sa sunog.

Isang tao ang nasugatan at kasalukuyang ginagamot sa ospital at nasa stable na kondisyon.

Inilunsad na ng mga lokal na awtoridad ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.