-- Advertisements --
sunog sa cubao 1

Nakapagtala na ng isang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa lumang Araneta City Bus Terminal sa Cubao City.

Kinilala ng biktima na si John Grego, 27-anyos at may asawa.

Siya ay nagtamo ng sugat sa likod matapos mahulog.

Patuloy na inaapula ng mga bombero ang sunog na nagsimula pasado alas-4 ng hapon.

Base sa mga larawan, makikita ang makapal na usok na nagmumula sa sunog.

Dito dati ang estasyon ng bus papuntang mga probinsiya.

Itinaas na ang Task Force Bravo dahil sa nangyaring sunog.

Ilang commercial establishment naman sa loob nito ang nasusunog.

Nakapag-evacuate naman ang tenants ng bus station.