PARIS – Posibleng “computer glitch” ang dahilan kung bakit mabilis na kumalat ang apoy sa Notre Dame Cathedral.
Kamakailan lang ay tinupok ng apoy ang oak beams na sumusuporta sa stone ceiling ng simbahan.
Ayon kay rector Patrick Chauvet maaring nagkaroon ng computer glitch kaya kumalat kaagad ang apoy sa Notre Dame.
Pero hindi na nito idinetalye pa kung ano ang exact nature ng naturang glitch, at sinabi pang posibleng sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan pa malalaman talaga ang dahilan ng naturang sunog.
Nitong araw lang, sinabi ng Paris police investigators na posibleng resulta ng electrical short-circuit ang sunog na nangyari sa Notre Dame.
Iniulat naman ng Le Parisien newspaper na kinokonsidera rin sa ngayon ng mga imbestigador kung ang sunog ay maaring maiuugnay sa isang computer glitch o posibleng bunsod din ng mga elevators na ginagamit sa renovation.
Ayon kay Chauvet, may mga fire alarms naman sa palibot ng simbahan, na maituturing pa nga raw na “well protected” talaga.