GENERAL SANTOS CITY – Tinatayang aabot ng hanggang P1 million ang iniwang danyos ng sunog sa palengke sa Malandag, Malungon Sarangani Province kaninang alas-4:00 ng madaling araw.
Sinabi ng mga stall owners na posibleng nagsimula ang sunog matapos na mag-spark ang kable ng kuryente sa isang poste.
Mabilis na tinupok ng apoy ang 11 pwesto dahil sa magkakadikit ang mga ito.
Dahil sa laki ng apoy, kinailangan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang tulong ng mga bumbero mula Gensan at South Cotabato.
Ayon kay Malungon Mayor Tessa Constantino, bibigyan ng lokal na pamahalaan ng financial assistance at survival kit ang mga apektado at gagawa na rin ng contigency plan para sa mga ito.
Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa naturang sunog.