-- Advertisements --

Umabot sa mahigit pitong oras bago tuluyang naapula ang sunog na naganap sa gusali ng electrial supply na matatagpuan sa Malinis Extension, Lawang Bato, Valenzuela.

Nahirapan ang mga Bureau of Fire protection na apulahin ang nasabing sunog dahil sa masikip na daanan.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad nagsimula ang sunog pasado alas-4 ng hapon sa ikalawang palapag ng gusali.

Wala namang nasaktan na mga empleyado sa gusali dahil nakauwi na ang karamihang empleyado sa nasabing opisina.

Inaalam pa rin ng BFP kung magkano ang kabuuang damyos ng nasabing sunog.