-- Advertisements --
image 238

Sumiklab ang sunog sa Baguio City Public Market, Sabado ng gabi.

Nagsimula ang sunog alas-11:08 ng gabi, ayon kay Baguio City Fire Station chief Fire Superintendent Marisol Odiver.

Naapektuhan ang Blocks 3 at 4 ng merkado. Ang mga lugar na ito ay naglalaman ng mga stall na nagbebenta ng mga damit at souvenir, sabi ni Odiver.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago ito naapula alas-4:38 kaninang umaga.

Walang namang nasaktan sa sunog, ayon kay Odiver.