-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Apat na magkakatabing bahay kalakal ang tuluyang tinupok ng apoy sa District 3, Cauayan City.
Ito ay kinabibilangan ng Ramos Lechon, computer shop, Salon Republic at KND japan surplus.
Sa pagtungo ng Bombo Coverage team sa pinangyarihan ng sunog ay makikitang sinisikap ng mga bombero na nagmula sa iba’t ibang mga bayan at lungsod ng Isabela na maapula ang apoy.
Kapansin pansin din na nahirapan ang pagpasok ng mga fire trucks sa lugar bagamat ang mga bahay kalakal ay nasa tabi lamang ng lansangan dahil sa dami ng mga taong nakiki-usyoso
Nagsimula ang sunog pasado alas otso ng gabi at naapula bago mag-alas nuebe ng gabi.
Sa ngayon ay inaalam pa ng BFP Cauayan City kung magkano ang halaga ng mga natupok ng apoy.