-- Advertisements --

NAGA CITY- Sumiklab ang sunog Barangay San Roque, Iriga City na ikinamatay ng isang indibidwal.

Kinilala ang binawian ng buhay na ang mismong may-ari ng nasunog na bahay.

Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay Fire Officer 3 Peter Jade Bante, Public Information Officer ng Bureau of Fire Protection(BFP)-Iriga City, sinabi nito na nagsimula ang sunog bandang alas 11:19 ng gabi at naireport lamang sa kanila halos 5 minuto na ang nakakalipas.

Ayon kay Bante, nagsagawa naman sana ng bucket relay ang mga tao sa lugar ngunit hindi ito kinaya kung kaya’t tumawag na ang manugang ng may-ari ng bahay sa kanilang opisina upang ireport ang nasabing insidente.

Ayon naman sa manugang, inakala umano nila na nakalabas na ang kanyang Biyenan sa nasusunog na bahay ngunit ayon sa kanilang inisyal na imbestigasyon, hinihinalang na-trap ang biktima rason upang ito ay bawian ng buhay.

Samantala, umabot naman sa humigit kumulang ₱80,000 ang naitalang iniwan na pinsala ng nasabing sunog na umabot rin sa 2nd alarm.

Kaugnay nito, umabot naman na sa humigit kumulang 40 insidente ng sunog ang kanilang naitala sa lungsod ngunit karamihan dito ay mga grassfire.