-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Isa ang naitalang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang coffee shop sa lungsod ng Dagupan.

Sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Dagupan nagsimula ang naturang apoy sa kusina ng naturang shop.

Ayon sa BFP, habang nagluluto umano ang kanilang kusinero, bigla umanong naalis ang hose ng liquefied petroleum gas (LPG) dahilan upang sumiklab ang apoy.

Agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang naturang kusinero matapos masunog ang kanang katawan nito.

Masuwerte namang walang nadamay na iba pang establisimyento sa nanagyaring insidente.

Samantala, tiniyak ng BFP na magsasagawa sila ng re-inspection sa lugar sa m ga susunod na araw.