-- Advertisements --
Isang malaking sunog ang sumiklab pasado alas-11 ng gabi, Abril 12, sa Makabayan Street Barangay Obrero, Quezon City.
Itinaas ang sunog sa ikatlong alarma kaninang 11:56 ng gabi.
Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), hindi bababa sa 50 fire trucks, kabilang ang mga volunteer units mula sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila, ang tumulong upang maapula ang patuloy na sunog.
Kasalukuyan namang tumutuloy sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue ang mga naapektuhang residente.
Patuloy pang inaalam ang pinangyarihan ng sunog.