-- Advertisements --

Kontrolado na raw ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog na sumiklab sa Commission on Elections (Comelec) office sa Palacio del Gobernador, Intramuros Manila.

Base sa report ng BFP-National Capital Region (NCR) Public Information Office, nagsimula ang sunog sa ika-pitong palapag ng naturang gusali.

Itinaas sa unang alarma ang sunog dakong alas-6:53 ng gabi ang umabot sa second alarm dakong alas-7:02 ng gabi.

Sinabi naman ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na ligtas ang lahat ng personnel at duty staff na nasa gusali.

Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang pinagmulan ng sunog.