Walang kawani at diplomat ng embahada ang nasugatan sa sunog na sumiklab sa Russian Embassy sa Makati City ayon sa Foreign Ministry nito.
Lahat ng empleyado ng embahada ay ligtas na inilikas.
Noong gabi ng Pebrero 4, isang matinding sunog ang sumiklab sa gusali ng embahada ng Russia sa Maynila.
Walang mga biktima o nasugatan.
Ang mga empleyado at miyembro ng kanilang mga pamilya na nasa embahada ay inilikas.
Ang sunog, na nagsimula sa 2nd level ng embahada sa Acacia Street sa upscale Dasmariñas Village, ay nagdulot ng pinsalang hindi bababa sa P100 milyon, sinabi ng mga awtoridad ng Pilipinas.
Sinabi ng pulisya na umabot sa ikalawang alarma ang sunog alas-8:42 ng gabi at na-fire out ng alas-2:10 ng Sabado.
Patuloy pang iniimbestigahan ang dahilan ng sunog.