-- Advertisements --

Sinamantala ng Phoenix Suns ang tinatawag na homecourt advantage matapos talunin sa Game 1 ng first round play offs ang Los Angeles Lakers, 90-99.

Nagsama ng puwersa sina Deandre Ayton at Devin Booker upang pangunahan ang buwena manong panalo.

Phoenix suns devin booker
Phoenix Suns (@Suns)

Mayroong 34 points at pitong rebounds si Booker habang 21 points at 16 rebounds naman ang kay Ayton.

Bagamat hindi gaanong nakapaglarong mabuti si Chris Paul dahil sa lumala ang kaniyang right shoulder injury sa second quarter, nagtala pa rin ito ng seven points at apat na rebounds.

Nasayang naman ang nagawang 18 points ni LeBron James habang mayroong 14 points si Dennis Schroder.

Nasa pangalawang puwesto ang Suns habang pang-pitong puwesto naman ang defending champion Lakers sa Western Conference playoffs.