-- Advertisements --

Maraming mga basketball analyst ang pumapabor umano na makukuha ng Phoenix Suns ang kampeonato sa NBA sa paghaharap nila ng MIlwaukee Bucks.

Sa mga sikat odds makers sa US lumalabas na malaki ang lamang ng Suns laban sa Bucks.

Ito kasi ang unang pagkakataon ng Suns na makapasok sa NBA Finals habang ito naman ang pangalawang beses na umusad ang Bucks sa Finals mula pa noong 1971.

Sasamantalahin kasi ng Suns ang magkasunod na laro na sa homecourt nila gagawin ang Game 1 at 2.

Ilan aniya sa magiging susi rin ng Suns ang pagiging uhaw sa kampeonato ni Chris Paul kung saan sa loob ng 16 na taon nito sa paglalaro ay ngayon lamang nakatuntong sa Finals.

Isa rin kasing malaking hamon ngayon sa Bucks ay ang kawalan ng kanilang star player at two time MVP na si Giannis Antetokounmpo.

Dahil dito inaasahang magle-level up ang laro ng kanilang All-Star guard na si Jrue Holiday at Khris Middleton tulad ng ginawa kahapon nang idispatsa nila sa Game 6 ang Hawks.