-- Advertisements --

Naitabla ng Phoenix Suns sa 2-2 ang best-of-seven first round series ng Western Conference playoffs laban sa Los Angeles Lakers matapos masilat sa iskor na 100-92.

Pinangunahan ni Chris Paul ang Suns na nagtala ng 18 points, tatlong rebounds at siyam na assists habang parehas na nagtala ng tig-17 points sina Jae Crowder at Devin Booker para tuluyang makabawi sila sa pagkatalo noong Game 2.

Sinamantala ng Suns ang pagka-injured ni Anthony Davis sa second quarter ng laro.

Nagtamo kasi ng left groin strain si Davis nang mag-drive siya kung saan namali ang pagkalapag nito sa court.

Mula rito, hindi na nakabalik pa ang big man ng Lakers.

Nasayang naman ang nagawang 25 points, 12 rebounds at six assists ni LeBron James.