-- Advertisements --
Inaasahan na ng Phoenix Suns na magiging mahigpit ang Game 3 Western Conference Finals nila ng Los Angeles Clippers.
Ito ay dahil sa homecourt sa Staple Center gaganapin ang laro at hindi sila makakapayag na talunin sila sa sariling court.
Isa ring asahan ng Suns ang muling paglalaro na ni Chris Paul na magtatapos na ang kaniyang 10 araw na isolation dahil sa paglabag sa health and safety protocols.
Sinabi naman ni Clippers forward Paul George na mayroon na silang sariling game plan para sa game 3.
Magugunitang hawak ng Suns ang 2-0 na lead matapos na samantalahin nila ang kawalan ng malakas na manlalaro ng Clippers na sina Kawhi Leonard na na-injury at si Paul.