Nasilat ng Phoenix Suns ang katunggali nitong NBA defending champion na Golden State Warriors nang tambakan nila ito ng 29 points na nagtapos sa iskor na 134-105.
Nagpakitang gilas ang top performer ng Suns na si Devin Booker nang makapagtala ito ng 34 points, two rebounds at seven assist para tuluyang mailampaso ang kampo ng Warriors.
Dagdag dito, nakapag-ambag din ng 16 points at 14 rebounds si Daendre Ayton sa huling mga oras ng laro.
Habang nasayang naman ang diskarte na 21 points, seven rebounds at eight assist ng NBA superstar na si Stephen Curry nang ma-upset sila at masira ang diskarte
Kaugnay niyan, parehong nawalan ng sigla ang magkabilang team sa ikatlong quarter kung saan marami ang napatawan ng technical fouls.
Kabilang na ang agaw pansin na si Klay Thompson dahil sa kanyang first career ejection kasunod ng pitong technical fouls.
Lahat ng mga technical fouls sa magkabilang panig ay nangyari sa loob lamang ng anim na minuto.
Ito ay matapos na agad na tumanggap ng dalawang magkasunod na technical fouls si Thompson nang magsagutan sila ni Booker na napatawan din ng technical
Ang veteran guard na si Thomosin ay nagtapos lamang sa two points nang inalat sa 1-for-8 shooting, kabilang na ang 0 of 5 mula sa 3-point range.
Ito ang unang career ejection ng five-time All-Star sa kanyang 651 regular season games.
Samantala, na ang ikalawang talo ng Warriors at dalawang panalo habang ang Suns gumanda pa ang recored sa 3-1. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)