-- Advertisements --

Handang tapatan ng Phoenix Suns ang gagawing malaking adjustment ng Milwaukee Bucks sa Game 2 ng NBA Finals.

Sinabi ni Suns coach Monty Williams na inaasahan nilang babawi ang Bucks sa Game 2 matapos na ilampaso nila ito sa Game 1 sa score na 118-105.

Aminado ang Suns coach na kahit nanalo sila sa kanilang home court ay hindi pa rin sila kontento.

Inihalimbawa nito ang pagtala ni Bucks star Giannis Antetokounmpo ng 20 points na ito ay nanggaling pa sa injury.

Bawat series anila sa finals ay kanilang pinaghandaan na.

Isa ngayong malaking hamon sa Suns ay ang kawalan ng Croatian player nila na si Dario Saric dahil sa injury.