-- Advertisements --
Naka-isolate ngayon ang point guard ng Phoenix Suns na si Chris Paul dahil sa paglabag umano ng NBA COVID-19 health and safety protocols.
Dahil dito ay hindi makakasama ang Suns superstar sa mga ensayo ng koponan para sa Western Conference Finals.
Una kasing nakapasok sa Western Conference Finals ang Suns matapos na talunin ang Los Angeles Lakers sa first round at ang Denver Nuggets sa semifinals.
Hinihintay na ngayon ng Suns ang sinumang mananalo sa pagitan ng Utah Jazz at Los Angeles Clippers na nasa 2-2 ang serye nila.
Umaasa ang Suns na matatapos ang ang isolation ni Paul bago magsimula ang Western Conference finals.
May average na 15.7 points, 4.1 rebounds at 8.7 assist si Paul sa 10 laro sa post season.