-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng top team ngayon sa NBA na Phoenix Suns ang Charlotte Hornetes, 137-106.

Nagbalik na rin sa laro si Devin Booker na agad na tumipa ng 16 points mula sa pagpapagaling sa kanyang hamstring injury.

Habang dinomina naman ang paint ni Deandre Ayton na tumipon ng 15 points at 15 rebounds habang si Javale McGee ay nagpakita ng 19 points para sa kanilang 24-5 record.

Ang Hornets naman ay natigil sa 16-16 kartada.