-- Advertisements --
Matunog ngayon ang pangalan ng aktres na si Sunshine Cruz at umano’y rumored-boyfriend nito ang negosyante at Bilyonaryong si Atong Ang dahil sa inilibas na blind item ng isang celebrity news website.
Ayon sa naging blind item, binawi umano ni Atong ang luxury car na iniregalo umano nito kay Sunshine Cruz na siya agad pinagsisihan ng aktres dahil hindi daw ito nakapangalan sa kaniya.
Ito daw ang senyales ng hiwalay na ang dalawa kahit hindi nila kinumpirma ang tunay na estado ng kanilang relasyon sa publiko.
Binansagan namang “bawal na pag ibig” ang relasyon ng dalawa dahil sa may asawa’t anak si Atong Ang.
Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon at inilalabas na pahayag ang dalawang panig tungkol sa isyu.