-- Advertisements --

Minaliit lamang ni Sunshine Cruz ang ilang natanggap na negatibong komento kaugnay sa kanya umanong tumatandang itsura.

Mismong ang 44-year-old actress ang nagbahagi ng mga screenshot ng pang-aalaska sa kanya kung saan tinawag siyang lola.

“Lola ‘yung buto mo, ingat din baka mabalian ka,” isa sa mga negatibong komento.

Sinagot naman ito ng dating misis ni Cesar Montano na proud ito sa kanyang edad lalo’t siya ay malusog at masaya.

“Are you trying to insult me by calling me a lola? Proud of my age! I am 44, healthy and happy. (To be honest), I’d rather be a lola than be you. Kumain ka para magkaro’n ng nutrition ang katawan at pagiisip mo,” bwelta ni Cruz.

Kasabay nito ay hinikayat ni Sunshine ang kanyang followers na huwag sanang gamitin ang salitang matanda para makapanakit ng kapwa dahil katunayan aniya, ang pagtanda ay maituturing na biyaya sa nakararami.

“Tres Marias” ang anak ni Sunshine kay Buboy.