Tiniyak ni Sunshine Cruz na nabigyan nito ng quality time ang kanyang tres marias bago sumabak muli sa taping.
Sa post ng 43-year-old former sexy star, swimming ang naging bonding nilang mag-iina kung saan tila showdown ito sa kani-kanilang “summer ready” body.
Ayon sa dating misis ni Cesar Montano, sasailalim kasi siya sa mandatory quarantine period kaya dapat ay makasama muna nito ang tatlong anak.
“Taken before my mandatory quarantine period. I was able to spend time with my girls before I leave for work. I love you three so much Angelina, Sam and Chesca. Always proud of you three.🥰” caption nito sa larawan nila kalakip ang mga hashtag na “latepost. tresmarias, daughter, daughters”
Noong 2018 nang tuluyang mapawalang bisa ang kasal nina Sunshine at Buboy.
Bagong kasintahan naman ni Cruz ay si “Macky” Mathay na half-sibling ng sexy actress na si Ara Mina.
Habang ang 58-anyos na si Montano ay mayroong long time partner na sinasabing nagngangalang Maria Socorro.