-- Advertisements --

Magkahalong galit at sakit ang nararamdaman ni Sunshine Cruz kaugnay sa pagkalat ng edited photo nito kasama ang kanyang “tres marias” at partner.

Sa naturang in-edit na larawan kasi, pinalitan ang mukha ng partner nitong si Macky Mathay kung saan ipinatong ang mukha ng American porn star na si Johnny Sins.

Sunshine fam photo edited
“I will never understand why people think making fun of other people is funny. No one has the right to humiliate others. What would you feel kung isa sa pamilya nyo ang gawing katatawanan?,” saad ni Cruz sa Facebook.

Para sa mga tagasupota ng 43-year-old actress, tila pinalalabas na nakasamang kumain ng mag-iina si Sins o Steven Wolfe sa tunay na buhay.

Tulad ni Macky na half-sibling ng sexy actress na si Ara Mina, kalbo rin ang nasabing American porn celebrity.

Ayon sa dating misis ni Cesar Montano, hindi na siya hihingi ng respeto pero sana ay itrato naman siya bilang tao rin na nasasaktan.

Ang mga anak na babae ni Sunshine kay “Buboy” ay edad 16, 17 at isang turning 20 years old na.

Kamakailan lang nang makarekober si Sunshine sa Coronavirus DIsease kung saan inamin nitong dumaan siya sa “denial stage” kaya hindi agad naikwento sa publiko.