Umamin si Sunshine Cruz sa isang Instagram post nito na siya ay na-diagnose ng myasthenia gravis, isang autoimmune disease na apektado ang mga kalamnan.
Ito ay kasunod ng kanyang sexy and bold na paglalakad sa runway sa kamakailang fashion show.
Ayon pa kay Sunshine nakaapekto ang sakit sa kanyang paghahanda para sa event.
‘It’s been a real roller coaster these past months. I was diagnosed with an autoimmune disease called myasthenia gravis which has made building muscle a real struggle. But I’m so thankful for the strength I’ve found,’ ani Sunshine sa kaniyang post sa IG.
Ang myasthenia gravis ay isang autoimmune condition na nagiging sanhi ng panghihina at mabilis na pagkapagod ng mga kalamnan. Karaniwan itong nararanasan ng mga kababaihan na nasa edad 40 pataas at mga kalalakihan na higit sa 60, at bagamat wala itong lunas, may mga gmot na tumutulong upang ma-manage ang mga sintomas.
Sa kabila ng mga hamon, masaya paring ibinahagi ni Sunshine ang experience nito sa runway suot ang pulang two-piece swimsuit, kung saan makikita ang kaniyang confidence at sexiness nang walang senyales ng anumang sakit.
Ibinahagi din ng aktres na inialay niya ito sa mga kapwa ina at mga miyembro ng Generation X.
‘To all my fellow moms and Gen Xers, never give up on your dreams,’ dagdag niya.
Nagpasalamat din siya sa kanyang fitness coach na tumulong sa kanyang paghahanda para sa event.
Samantala maalalang noong Disyembre 2024, kinumpirma ni Sunshine ang relasyon nila ng kanyang partner na si Atong Ang matapos kumalat online ang isang video kung saan makikita silang nagkikiss sa isang public cockpit.