-- Advertisements --

Bagama’t halos tatlong linggo na sa kanyang isolation o lagpas na sa normal na 14 days na pagpapagaling, hindi pa rin lumalabas ng kanyang kuwarto sa bahay si Sunshine Cruz.

Sunshine COVID 2
To everyone, Covid is real! In my 43 years of existence, I’ve had fever, the flu, and coughs but Covid symptoms can’t be compared to what I’ve experienced before. I am still grateful and blessed that the worst is over.
I will be taking a swab test tomorrow and I am hoping, praying for a negative result. I am positive that I will test negative! Claiming it!🙏🏻
Stay safe everyone, wear your masks, face shields and keep your distance, let us all do our part in being a solution to this very difficult pandemic we are facing. God bless us all!❤️🙏🏻

Ayon sa 43-year-old actress, kailangan niyang masiguro na protektado na ang mga kasama niya sa bahay lalo na ang “tres Marias” kaya aantayin muna ang magiging resulta ng kanyang bagong swab test.

Nitong weekend nang ihayag ng dating misis ni Cesar Montano na on the way to recovery na siya mula sa mga sintomas ng Coronavirus Disease (COVID)-19, ngunit hindi pa direktang tinukoy na positibo nga sa naturang virus.

Paliwanag ni Sunshine, hindi kasi agad nag-sink sa kanya ang pagiging COVID positive nitong Marso kaya hinayaan na lamang na malampasan ang tinatawag na denial stage.

Una nang inihayag ng dating sexy star na masuwerte pa rin siya dahil sa bahay lang siya nagpapagaling, kompara sa iba na naka-confine talaga sa ospital.

Kabilang sa kanyang mga naranasan ang kawalan ng panlasa at pang-amoy, gayundin ang matinding pananakit ng ulo at katawan.