-- Advertisements --
Hindi na nagbigay pa ng anumang reaksyon si Sunshine Cruz tungkol sa dating asawa nitong si Cesar Montano.
May kaugnayan ito sa pagpost ni Miss Philippines Earth 2009 Sandra Seifert sa kaniyang social media kung saan makikita ang na kasama ng actor ang limang-taong gulang na anak nila.
Sinabi ni Sunshine na hindi na ito magbibigay ng anumang reaksyon dahil sa matagal na silang hiwalay.
Nakatutok na siya sa kaniyang mga anak at sa career.