-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ni Sunshine Cruz ang magandang development ng annulment case na inihain sa dating asawang si Cesar Montano.

Sinabi ng actress na ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court Branch 106 ang Motion for Reconsideration na inihain ng Office of Solicitor General (OSG) sa pagbabaligtad ng desisyon ng korte sa pagwawalang bisa sa kasal ng dalawa.

Base sa dalawang-pahinang desisyon ng QCRTC Br. 106, na nanindigan ang huwes sa nauna nitong desisyon.

Ang OSG kasi ang narerepresenta sa interest ng estado sa pagprotekta ng kasal bilang basic family institution.

Magugunitang naghain ng annulment si Cruz noong Abril 2014 at ito ay napagbigyan ng Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 2018.

Taong 2000 ng ikinasal ang dalawa kung saan sila ay may tatlong anak na babae.