-- Advertisements --
Duterte wrist band

Nilinaw ng Malacañang na hindi medical plaster ang nakalagay sa kanyang kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi simpleng kulay puting wrist band lamang.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, isinuot ni Pangulong Duterte ang wrist band bilang simbolo sa pagnanais na magkaroon ng kapayapaan umano sa Pilipinas.

Ayon kay Sec. Panelo, kahalintulad nito ang wrist band ni Pangulong Duterte sa wrist band na palaging suot ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Wala umanong dapat na ipag-alala ang publiko dahil maayos naman ang lagay ng kalusugan ng Pangulo.

Iginiit ni Sec. Panelo na noon pa man ay hindi na itinatago ni Pangulong Duterte sa publiko ang lagay ng kanyang kalusugan.

“That’s more symbolical of his wanting peace in the Philippines,” ani Sec. Panelo. “No, it’s not a medical plaster.”