-- Advertisements --

Nagtala ng record ang katatapos na lamang na Super Bowl 58 sa pagitan ng Kansas City Chiefs at San Francisco 49ers.

Ayon kasi sa Neilsen and Adobe Analytics na ang nasabing laro ay pinanood ng nasa 123.4 milyon sa telebisyon at mga streaming platforms.

Nahigitan nito ang Super Bowl noong nakaraang taon na mayroon 115.1 milyon viewers.

Ang nasabing laro ay ipinalabas sa iba’t-ibang channel sa US at maging sa mga online streaming.

Nagdagdag sa nasabing laro ang panonood ng singer na si Taylor Swift.